^

Probinsiya

State of emergency sa ‘killer lambanog’ 10 na pataysa Rizal, Laguna

Joy Cantos, Tony Sandoval, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
State of emergency sa �killer lambanog� 10 na pataysa Rizal, Laguna
Ayon kay Rizal, Laguna Mayor Vener Muñoz na nagdeklara ang kanilang pamahalaan ng state of emergency upang mabigyan ng pinansyal na tulong ang mga nakaratay pang pasyente.
File

MANILA, Philippines — Isinailalim sa “state of emergency” ang ba­yan ng Rizal sa Laguna matapos ­umabot na sa 10 katao ang nasawi habang nasa 300 katao pa ang nakaratay sa iba’t ibang pagamutan dahil sa pag-inom ng nakalalasong lambanog.

Ayon kay Rizal, Laguna Mayor Vener Muñoz na nagdeklara ang kanilang pamahalaan ng state of emergency upang mabigyan ng pinansyal na tulong ang mga nakaratay pang pasyente.

Nabatid na ang mga nabiktima ng “killer lambanog” ay galing sa iba’t ibang party na bumili lamang ng lambanog sa iisang tindahan sa Quezon.

Iniutos na ni Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Director P/Brig. Gen.Vicente Danao sa mga police provincial commanders at mga chief of police na makipagkoordinasyon sa Food and Drugs Administration (FDA) at lokal na pamahalaan upang ipagbawal muna ang pagbebenta ng lambanog. 

“If there are still people selling, they will be warned, if not their lambanog stocks will be confiscated,” dagdag ni Danao.

 Sinabi ni Danao na ang lambanog na kumitil ng buhay ng 10 residente ng Rizal, Laguna ay binili nila sa Quezon.

“Ang balita namin, dun sa gumagawa, may nahalo sila na ‘di dapat. But that is still subject for further verification. Sa mga nakabili na, we advise them na huwag na inumin, kundi itapon,” dagdag ni Danao.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Analyn Lanuza, Fiedra Cenon, Maricriz Lanuza, Jason Navarozza, Elmer Dorado, Ricky Vitangcol, Marlon Veridiano, Luis Urriquia, Rizalino Monserat at Benedicto Mendoza; pawang sa Rizal, Laguna.

Samantala, sa Candelaria, Quezon, namatay rin sina Ernesto Aguilar, 54 at Marvin Macatangay dahil sa pag-inom umano ng lambanog habang nasa kritikal na kondis­yon sa Uni­ted Candelaria District Hospital sina Fernando Aguilar, 53 at Christian Aguilar, 25. Lumalabas sa mga pagsusuri na nasawi at naratay ang mga biktima sa methanol poisoning.

vuukle comment

LAMBANOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with