^

Probinsiya

3 ‘tulak’ bulagta sa buy-bust

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Tatlong umano’y tulak ng ipinagbabawal na droga ang napatay ng mga otoridad habang 25 pa ang naaresto sa magkakahiwalay ng buy-bust operation dito sa lalawigan kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Col. Emma Libunao, acting Bulacan Police director ang tatlong napatay na suspek na sina Penry Aristain; Gerald Buluso at isang alias Randy, pawang nasa hustong gulang at naninirahan sa siyudad ng San Jose del Monte.

Napatay ang tatlong tulak sa isinagawang drug buy-bust sa Brgy. Kaypian, San Jose del Monte dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng mga pulis at mga suspek hanggang sa masukol ang tatlo sa isang madamong lugar sa nasabing barangay. Nabawi sa mga suspek ang 23 plastic sachet ng shabu, dalawang cal .38 revolver, isang Honda motorcycle at buy-bust money.

Samantala, 25 pa ang naaresto ng mga pulis sa magkakahiwalay na drug operation sa bayan ng Plaridel at San Jose del Monte City. Nakumpiska sa mga suspek ang 68 plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at buy-bust money.

vuukle comment

BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with