^

Probinsiya

Rescue ops sa 2 Indonesian: 2 patay!

Gemma Garcia, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

 MANILA, Philippines — Matagumpay na nasa­gip ng tropa ng militar ang dalawang Indonesian national na dinukot ng mga teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa ginawang rescue ope­ration na nagbunsod ng engkuwentro na ikinasawi ng isa sa mga kidnaper at isang sundalo kahapon ng umaga sa Pa-namao, Sulu.

Kinilala ang mga nasagip na dayuhan na sina Maharudin Lunani at Samion Bin Maniue.

Ayon kay Western Mindanao Command (Westmincom) Chief Lt. General Cirilito Sobejana, nasagip ang mga biktima dakong alas-5 ng umaga sa bulubunduking lugar ng Brgy. Bud Dawis, Panamao Sulu.

Sinabi ni Sobejana na ang mga elemento ng 4th Marine Brigade ng Philippine Army ang nagsagawa ng rescue operation sa nasabing lugar at nakasagupa ang hindi mabilang na ASG.

Tumagal ng halos ilang minuto ang bakbakan sa pagitan ng dalawang grupo na nagresulta sa pagkamatay ng isang bandido at sundalong si Cpl. Romnick Estacio ng 62nd Marine Company.

Narekober mula sa mga napatay na bandido ang isang M16 rifle na may M203.

Nabatid na sina Lunani at Maniue ay dinukot sa boundary ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas  at dinala sa Jolo hanggang sa ma- trace ito ng militar na nagsagawa ng rescue operation.

Sinabi naman ni Sobejana na mayroon pang hawak na isang Indonesian national at isang Pinoy ang mga bandidong ASG.

Patuloy namang ina­alam ng militar kung ang nasabing Pinoy ay kidnap victim dahil minsan ay gumagawa lamang umano ng gimik ang iba roon.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

INDONESIAN

KIDNAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with