^

Probinsiya

Dalagita, binatilyo kisay sa kuryente

Tony Sandoval, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Dalagita, binatilyo kisay sa kuryente

MANILA, Philippines — Tigok ang isang 14-anyos na dalagita nang makuryente makaraang mahawakan ang live wire mula sa Christmas lights ng isang bahay habang nagse-selfie naganap sa Brgy. Poblacion 4, Mulanay, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawing Grade 7 na estudyante ay si Pricila Penaflor, residente ng Barangay Butanyog.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-8:30 ng gabi ay na-engganyo ang biktima na mag-selfie gamit ang kanyang cellphone sa isang bahay sa lugar na puno ng mga kumukuti-kutitap na Christmas lights and decorations subalit aksidenteng napahawak sa live wire na naging sanhi upang ito ay magkikisay dahil sa malakas na boltahe ng kuryenteng pumasok sa kanyang katawan.

Naisugod pa sa Catanauan District hospital ang biktima subalit nalagutan din ng hininga.

Samantala, isa namang 13-anyos na binatilyo ang nasawi nang makuryente rin sa kanilang bahay makaraang itusok nito ang hawak na soldering iron sa electrical outlet sa Brgy. Bitan-o, Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng umaga.

Sa ulat,dakong alas-11:00  ng umaga, pinaniniwalaang hindi alam ng biktimang si John Cyriel Desoyo Ledesma, grade 8, na may kuryente na nang isuksok nito ang hawak na soldering iron sa outlet. Bigla na lang nangisay ang biktima at walang malay na bumagsak.

Agad isinugod ng mga kaanak sa pagamutan ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

KURYENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with