^

Probinsiya

3 holdaper todas sa shootout!

Joy Cantos, Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
3 holdaper todas sa shootout!
Sa report na ipinadala ni Acting Bulacan Police Director P/Col. Emma Libunao kay Police Regional Office 3 (PRO3) P/BGen. Rhodel Sermonia, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng mga napaslang na suspek dahil sa dami ng mga identification card na narekober sa kanila kabilang na ang police at military IDs.
File

PANDI, Bulacan, Philippines — Patay ang tatlong hinihinalang holdaper na sinasabing mga ex-military nang makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng Pandi Police na nagsasagawa ng Simulta-neous Anti-Criminality Law Enforcement Ope­ration (SACLEO) kamakalawa ng gabi sa E. De Guzman St., Barangay Poblacion ng bayang ito.

Sa report na ipinadala ni Acting Bulacan Police Director P/Col. Emma Libunao kay Police Regional Office 3 (PRO3) P/BGen. Rhodel Sermonia, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng mga napaslang na suspek dahil sa dami ng mga identification card na narekober sa kanila kabilang na ang police at military IDs.

Inaalam pa ng pulisya kung ang mga napatay na suspek ay miyembro ng PNP o AFP.

Ayon kay Col. Libunao, naganap ang madugong engkuwentro dakong alas-8:45 ng gabi sa madamo at masukal na lugar nang tangkaing umiwas ang tatlong suspek sa isinagawang “Operation Sita” ng Pandi Police sa pamumuno ni P/Maj. Joy Placido na bahagi ng PNP-SACLEO.

Sa imbestigasyon, namataan ng mga tauhan ni Maj. Placido ang tatlong suspek na aali-aligid sa tindahan ng Raon Appliance Center sakop ng Woodbridge sa Brgy. Poblacion habang lulan ng isang motorsiklo.

Dahil kahina-hinala ang ikinikilos kung saan tatlo ang nakasakay sa isang motorsiklo ay tinangka ng mga pulis na i-flag down ang mga suspek subalit mabilis na bumalikwas at patakas na humarurot kung kaya hinabol sila ng mga operatiba.

Matapos ang ilang minutong habulan, nasukol ang mga suspek sa isang madamong lugar at doon na nagsimula ang engkuwentro na ikinabulagta ng tatlong suspek.

Ayon kay Libunao, inaabangan ng mga suspek ang pagsasara ng nasabing establisimyento at pagkaraan ay hoholdapin dahil kasagsagan ngayon ng benta ng mga appliances bunsod ng magpapasko.

Narekober sa lugar ang isang caliber .38 revolver Smith and Wesson, tatlong cartridge, tatlong cartridge ng cal 38 at isang cal 9mm  Armscor pistol, isang cal .9mm, 12 caliber 9mm, isang hand grenade, isang kulay itim na motorsiklo, tatlong cellular phone, dalawang, sari-saring identification cards ng PNP at militar, isang relo, mahigit P700 cash at iba pa. 

vuukle comment

SHOOTOUT

SIMULTA-NEOUS ANTI-CRIMINALITY LAW ENFORCEMENT OPE­RATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with