^

Probinsiya

Umpisa ng Simbang Gabi: 2 mekaniko niratrat

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Madugo ang umpisa ng pagdaraos ng Simbang Gabi nang dalawang mekaniko ang kritikal matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa loob ng sinasak­yang van habang pa­tu­ngong simbahan sa Brgy. Na-raragan, Bal­lesteros, Cagayan kahapon.

Kinilala ni P/Master Sgt. Eduardo Serrano Jr. ang mga biktima na sina Orlando Diamsay, 26, at Jenifer Acoba, 36, kapwa residente ng Brgy. San Juan ng nasabing bayan. 

Sa report, sinasa­bing magsisimba sana galing sa isang laklakan sa beerhouse ang dalawang mekaniko nang unahan sila at paputukan ng mga pinaniniwalaang bayarang berdugo sa abandonadong bahagi ng highway dakong alas-2:30 ng madaling araw.

Kapwa isinugod ng mga sumaklolo sa Far North General Hospital sa karatig bayan ng Luna, Apayao ang dalawa kung saan sila nakikipagbuno kay kamatayan.

Apat na basyo ng bala ng cal. 45 ang na­­r­ekober ng mga imbestigador sa crime scene. 

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

SIMBANG GABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with