^

Probinsiya

Nagpraktis mag-drive sa bagong biling motor Rider hulog sa tulay, tigok

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang rider makaraang aksidenteng mahulog sa tulay ang bagong biling motorsiklo nito habang nagpra-praktis na mag-drive sa Brgy. Salagmanok, Kumalarang, Zamboanga del Sur kamakalawa. Kinilala ang nasawing biktima na si Joel Suan Acenas, 55-anyos, may asawa at residente  ng Purok 5, Salagmanok, Kumalarang, Zambonga del Sur.

Ang biktima ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo na siya nitong dagliang ikinamatay. Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, alas-4 ng hapon kasalukuyang nagpra-praktis na magmaneho ang biktima sa bago nitong biling Yamaha Mio 125 ga-ling sa kanyang tahanan patungo sa direksyon ng kalsada ng Brgy. Salagmanok nang mawalan siya ng control dahil sa kakulangan ng kasanayan sa pagmomotor hanggang sa tuluy-tuloy na mahulog sa ilog.

Sa kamalasan, tumama sa batuhan ang ulo ng biktima na kasamang nahulog na siya nitong ikinamatay.

vuukle comment

PATAY

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with