83-anyos, 760 iba pa nagtapos sa Nueva Vizcaya
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Nakatanggap ng diploma ang nasa 761 mag-aaral kabilang ang 83-anyos na lola sa kanilang technical at vocational courses sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Tam-An Agri-Tech Tourism and Training Center Inc. na nakabase sa Brgy. Busilac ng bayan ito kahapon.
Ayon kay Jose Tomas, Jr., presidente ng Tam-An Agri-Tech Tourism and Training Center Inc., ang mga nagtapos sa ika 4th commencement exercises na may temang “Let’s Build a Future Together with TESDA Abot-Lahat” ay binubuo ng mga mag-aaral tulad ng mga self-employed, senior citizens, single-parents, non-working adults, out-of-school youth at maging ang mga professionals.
Sa 761 graduates, 262 dito ang tumanggap ng certificates for Animal Production (Swine) NC2; 203 para sa Automotive Servicing NC1; 92 sa Electrical Installation and Maintenance (EIM) NC2; 79 sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC2; 11 sa Training Methodology NC1; 18 sa Agricultural Crop Production (ACP) NC1; 15 sa Agricultural Crop Production (ACP) NC2; 21 sa Driving NC2; 33 sa Driving NC3; at 27 naman para sa Organic Agriculture Production NC2.
Ayon naman sa lolang si Anastacia Celestino, 83, isa sa 39 mga senior citizens na nagtapos ng Organic Agriculture Production NCII, na ang kanyang napag-aralan ay magagamit niya sa kanilang organic farming na siyang kailangan sa kanilang lugar.
Pinuri naman ni Senator Francis “Tol” Tolentino sa kanyang mensahe ang mga graduates sa kanilang pagpupursige para makakuha ng technical-vocational skills na kakailanganin nila para makahanap ng trabaho o magkaroon ng sariling kabuhayan.
- Latest