^

Probinsiya

Pulis nagwala sa bar, arestado

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kalaboso at nahaharap sa patung-patong na kaso ang isang 38-anyos na pulis matapos arestuhin ng kanyang mga kabaro nang magwala habang armado ng baril dahil sa kalasingan sa loob ng Lhafang Resto Bar sa Brgy. Cabidan, Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si P/Cpl. Dheejay Lunas Jazareno, kasapi ng Gubat Police at residente ng  Sampaguita Village, Brgy. Roro. Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi, dahil sa sobrang kalasingan ay nagwala si Cpl. Jazareno at hinamon ng suntukan ang mga kustomer ng bar habang nakasukbit ang baril sa beywang.

Agad tumawag ng responde ang mga nasa bar pero pati ang mga dumating na pulis ay hinamon din ng lasing na si Jazareno dahilan para pagtulungan na siyang arestuhin.

Nakumpiska sa suspek ang ipinagyayabang na service firearm nito na isang Glock caliber .9mm.

vuukle comment

DHEEJAY LUNAS JAZARENO

LHAFANG RESTO BAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with