^

Probinsiya

Trike driver dedo, 2 malubha sa road crash

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Utas ang isang drayber ng tricycle habang malubha ang isang yaya at alaga nitong isang taong gulang sa magkahiwalay na insidente ng salpukan sa highway sa Alicia, Isabela at Abulug, Cagayan kamakalawa.

Sa report ng pulisya, nagkasalubong ang traysikel ni Frederick Returco, 42 at kotseng Mitsubishi Lancer ni Jose Prudencio, 30 sa gitna ng kalsada sa Brgy. San Fernando, Alicia dakong alas-8:30 ng gabi.

Kapwa nagtamo ng pinsala sa katawan ang dalawang drayber na isinugod sa pribadong ospital subalit hindi na nakarating nang buhay si Returco.

Sa bayan ng Abulug, agad tumawid matapos bumaba mula sa sinakyang jeepney si Reylinda Pagudpud karga ang paslit na si Maria Priscanne Bancud nang tumbukin sila ng kotse ni Moses Ingan, 35, na isang negosyante mula Sinait, Ilocos Sur.

Tumilapon sa ere at nagpagulung-gulong sa kalsada si Pagudpud at alaga nito na isinugod ng mga sumaklolo sa ospital. Sumuko naman si Ingan sa himpilan ng Police Mobile Force Company sa karatig bayan ng Pamplona.

vuukle comment

I FREDERICK RETURCO

ROAD CRASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with