BJMP official patay sa sunog
RIZAL , Philippines — Patay ang isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nang makulong sa nasusunog niyang tahanan sa Antipolo City kamakalawa ng hapon.
Dead-on-arrival sa Rizal Provincial Hospital System Annex II si Jail Supt. Greg Sibug, 47-anyos, nakatalaga sa National Headquarters, at residente ng Block 65 Lot 8, Robinsons Homes East, Brgy. San Jose, Antipolo City.
Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-5:00 ng hapon habang tulog ang biktima sa kanyang bahay nang sumiklab ang apoy kaya hindi na nakalabas.
Mabilis na rumesponde ang mga kagawad ng pamatay-sunog at nadiskubreng na-trapped sa loob ang biktima kaya isinagawa ang rescue operation.
Nang mailabas ng kanyang bahay ang opisyal ay agad siyang isinugod sa ospital pero idineklarang patay.
Inaalam pa ng mga tauhan ng BFP ang pinagmulan ng apoy.
- Latest