^

Probinsiya

Parak sumemplang, dedo sa sagas

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Parak sumemplang, dedo sa sagas
Agad na nasawi ang biktima na si P/Staff Sergeant Jovel Villanueva, 33-anyos, nakatalaga sa 1st Quezon Provincial Mobile Force Company dahil sa matinding sugat sa ulo. Sa ulat, alas-7:45 ng gabi, habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo papasok sa trabaho nang aksidenteng sumemplang bunga ng madulas na highway.
The STAR/ File

LUCENA, Philippines — Doble kamalasan ang sinapit ng isang pulis matapos na sumemplang sa sinasakyang motorsiklo at magulungan pa ng rumaragasang behikulo sa gitna ng malakas na ulan na dulot ng bagyong Tisoy sa Diversion Road, Brgy. Domoit, Lucena City nitong Lunes ng gabi. 

Agad na nasawi ang biktima na si P/Staff Sergeant Jovel Villanueva, 33-anyos, nakatalaga sa 1st Quezon Provincial Mobile Force Company dahil sa matinding sugat sa ulo. Sa ulat, alas-7:45 ng gabi, habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo papasok sa trabaho nang aksidenteng sumemplang bunga ng madulas na highway.

Nagtangka pang tumayo ang biktima na nagtamo ng bali sa buto at gasgas sa katawan pero sa kamalasan ay nahagip ng paparating na Mitsubishi Fuso Canter Dropside truck (UER 767) na minamaneho ni Raulito Fornilda Quijano, 54-anyos na nasa kustodya na ng pulisya.

vuukle comment

1ST QUEZON PROVINCIAL MOBILE FORCE

JOVEL VILLANUEVA

MOTOR SEMPLANG

PARAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with