^

Probinsiya

Dela Salle may bomb threat

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Dela Salle may bomb threat
Sa nakalap na ulat mula kay P/Lt Col. Nerwin Ricohemoso, hepe ng pulisya sa lunsod na ito, alas-11:00 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag mula sa pamunuan ng De La Salle University na may bomba umanong itinanim sa nasabing unibersidad at anumang oras at araw ay sasabog ito.
The STAR/ File

CAVITE, Philippines –  Kinansela ng Unibersidad ng DeLa Salle sa Dasmariñas sa lalawigang ito ang klase sa buong pamantasan matapos itong bulabugin ng isang bomb threat na natanggap sa pamamagitan ng email mula sa hindi nagpakilalang suspek kamakalawa.

Sa nakalap na ulat mula kay P/Lt Col. Nerwin Ricohemoso, hepe ng pulisya sa lunsod na ito, alas-11:00 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag mula sa pamunuan ng De La Salle University na may bomba umanong itinanim sa nasabing unibersidad at anumang oras at araw ay sasabog ito.

Nabulabog ang mga Guro at estudyante dito at sa pagresponde ng  SWAT Team at Dasmariñas Police.

Isang Informative Report mula umano sa isang Email address  account na “BOMBA ANON, [email protected]” ang natanggap ng pamantasan at nagsasaad ng: “Sa mga susunod na araw, may bombing sasabog sa inyong paaralan. Sisiguraduhin naming na madaming tao ang malubhang madadamay at mamatay.”

Nang kanila itong mabasa ay agad itong  ipinaalam sa campus Management na agad namang itinawag sa Dasmariñas City Police.

Agad ding nagdek­lara ng suspension ng klase at kinansela ang lahat ng aktibidad dito. Pinauwi ang lahat ng estudyante at isinagawa ang Clea­ring operation sa buong unibersidad pati na din sa labas nito.

Kasama ng Dasmariñas Swat team ang pu­wersa ng RMFB-4A EOD sa isinagawang Clearig operation at makalipas ang mahigit apat na oras ay idineklarang clear sa bomba ang buong Unibersidad.

vuukle comment

SWAT

UNIBERSIDAD NG DELA SALLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with