^

Probinsiya

Ipinagtanggol ang lover, misis binoga si mister

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Ipinagtanggol ang lover, misis binoga si mister
Dead-on-the-spot ang mister na si Roderick Linazan, 40; habang inoobserbahan pa sa pagamutan ang kalagayan ng driver na si Rolly Ayob, 32-anyos, matapos magtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang mister nang pagbabarilin ng kanyang misis dahil sa pagta­tanggol umano nito sa lover na kanilang driver makaraang pagsasaksakin ng una bunsod ng matinding selos naganap kahapon ng umaga sa Brgy. Malagasang, Imus, Cavite.

Dead-on-the-spot ang mister na si Roderick Linazan, 40; habang inoobserbahan pa sa pagamutan ang kalagayan ng driver na si Rolly Ayob, 32-anyos, matapos magtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nasa kustodiya naman ng Imus Police ang suspek   na si Marycar Canete, 34- anyos, isang negosyante.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:10 ng umaga nang maganap ang krimen sa bahay ng mag-asawa sa Green State Subd., sa naturang barangay kung saan nadatnan umano ni Linazan ang kanyang misis na kasama si Ayob.

Dahil umano sa matin-ding selos ay kinumpronta ng mister ang umano’y lover ng kanyang misis hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo kung saan ay kumuha ng patalim si Linazan at sunud-sunod na inundayan ng saksak si Ayob.

Sa puntong ito ay kinuha ni Marycar ang kanyang baril sa kanyang bag at agad na pinaputukan ang mister hanggang sa duguang bumulagta.

Ayon sa misis, nataranta na umano siya ng mga oras na iyon kung kaya nagawa niyang mabaril ang kanyang mister.

Narekober sa lugar ng krimen ng Colt cal.45, limang piraso ng mga bala, magazine, isang empty shell ng .45, at isang kitchen knife.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with