^

Probinsiya

Klase sa Albay, Sorsogon sa Lunes at Martes, sinuspinde

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Bilang paghahanda kay ‘Tisoy’

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines —  Dahil sa pangambang pagtama ng bagyong Tisoy sa Bicol, pareho nang nagdek­lara ng kanya-kanyang suspension of classes sa darating na araw ng Lunes at Martes ang mga gobernador ng lalawigan ng Albay at Sorsogon kahapon.

Halos magkasunod na nagpalabas ng executive order para sa suspension si Gov. Chiz Escudero ng Sorsogon at Gov. Al Francis Bichara ng Albay sa lahat ng level matapos isagawa ang magkahiwalay na pulong sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) hinggil sa pangambang pagtama ng bagyong Tisoy.

Ayon kay Gov. Escude­ro kailangan nilang mag­suspinde ng pasok sa lahat ng level upang maka­paghanda ang lahat at wa­lang mapahamak.

Si Bichara naman ay ipi­nalabas ang desisyon sa pamamagitan ni Albay Provincial Safety and Emergen­cy Management Office (APSEMO) chief Dr. Cedric Daep matapos pulungin kahapon ng hapon ang mga kasapi ng PDRRMC.

Sa nasabing pulong inalerto at pinaghahanda ni Daep ang lahat ng mga disaster response unit ng mga bayan at lunsod sa buong Albay sa “worst case scenario” sa pagpasok ni Tisoy lalo na ang pagra­gasa ng lahar sa palibot ng bulkang Mayon, pagkakaroon ng baha, flashflood at landslide lalo na sa mga bayan ng Tiwi, Manito at ilan pang mga lugar.

vuukle comment

BAGYONG TISOY

SUSPENDED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with