Tinedyer utas sa nililinis na mixer truck
NORTH COTABATO, Philippines — Todas ang isang 17- anyos na obrero nang habang nililinis ang loob ng concrete mixer truck ay pinaandar ito ng kasamahan nito, na naganap sa Brgy. Sandakan, Sultan Kudarat, Maguindanao kahapon ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Datu Ali Acob, residente ng Brgy. Dalumangcob sa bayan ng Sultan Kudarat sa nasabing lalawigan.
Sa ulat ng pulisya, posibleng umanong hindi namalayan ng driver na naka-on din pala ang plangka ng cement mixer.
Dakong alas-10:00 na ng umaga ng makuha sa loob ng mixer cement ang biktima habang tumakas naman ang driver ng truck matapos ang insidente.
Sa imbestigasyon, naglilinis sa loob ng cement mixer ang biktima nang paandarin ng kasama ang truck at sabay na umikot ang cement mixer.
Hindi naman matanggap ng pamilya ng biktima ang sinapit ng menor-de-edad kung saan naulila ni Datu Ali ang misis nito at ang isang buwan na sanggol.
- Latest