^

Probinsiya

Granada sumabog sa iskul: Pulis, amok patay

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Granada sumabog sa  iskul: Pulis, amok patay
Kinilala ang mga nasawi na si Police Master Sergeant Jason Magno, nasapul sa pagsabog ng granada, at ang suspek na nakilalang si Ebrahim Ampaso Basher, 65-anyos, ng Madamba, Lanao del Sur, na nabaril naman ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang pulis ang nasawi nang masabugan ng granadang inihagis ng isang lalaking nag-amok na napatay naman ng mga otoridad habang 17 katao na karamihan ay mga estudyante sa isang kolehiyo ang sugatan sa Initao, Misamis Oriental kahapon ng tanghali.

Kinilala ang mga nasawi na si Police Master Sergeant Jason Magno, nasapul sa pagsabog ng granada, at ang suspek na nakilalang si Ebrahim Ampaso Basher, 65-anyos, ng Madamba, Lanao del Sur, na nabaril naman ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya.

Ang mga nasugatan ay kinabibilangan ni Police Master Sergeant Alice Balido; mga estudyanteng sina Jasper Abcede; Jolly Tacbobo; Lino Talgac; Alan Ragmac Bahian; Neri Initao; Rey Galarosa; Hermori Poblete; Jomar Magla-ngit; Acmad Mangugadatu; Jundi Bagares; Sito Bagares; Raine Heart Payusan; Acmad Ponadatu, at Jesile Bulaybulay 14; Nestor Oblimar, professor; Ann Panorili, kawani sa DENR.

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang pagsabog dakong alas-11:20 ng tanghali matapos na mag-amok ang isang lalaki na naghasik ng sindak sa Initao College na matatagpuan sa Brgy. Jampason, Initao ng lalawigang ito.

Sa pagresponde ng mga pulis ay dito na ina­butan na tinatangka ni Magno na agawin ang gra­nada mula sa nag-aa­mok na suspek kung saan ay inihagis ito at su­mabog.

Nasapul sa pagsa-bog si Magno na siya nitong ikinamatay habang nasugatan naman ang 17 iba pa kabilang ang isang pulis.

Samantalang ang suspek ay nabaril naman ng mga kasamahang parak ni Magno na siya nitong ikinasawi.

vuukle comment

GRANADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with