2 rider dedo sa salpukan
ALAMINOS CITY, Pangasinan, Philippines -- Dalawang motorcycle riders ang nasawi makaraang aksidenteng magbanggaan ang kanilang motorsiklong minamaneho sa kahabaan ng national road, Brgy. Bolaney, Alaminos City, Pangasinan nitong Martes ng gabi.
Ang mga nasawing biktima ay nakilalang sina Benjamin Mallari Jr., 22, dri-ver ng kulay itim na Yamaha Mio Soul 125 motorcycle at Raffy Cabalic, 22-anyos, driver ng kulay asul na Rusi 150 motorcycle.
Sa ulat ng Pangasinan Police, kasalukuyang bumabagtas ang motorsiklong minamaneho ni Mallari sa national road ng Brgy. Bolaney, nasabing lungsod at patungo sa hilagang direksyon nang makabanggan nito ang kasalubong na motorsiklo ni Ca-balic. Sa lakas ng banggaan, tumilapon sa motorsiklo ang dalawang driver na kapwa nagtamo ng matinding pinsala sa katawan. Nagawa pang maisugod ng rescue team ang dalawang rider sa Western Pangasinan District Hospital sa Alaminos pero kapwa idineklarang dead-on-arrival.
- Latest