^

Probinsiya

Matador binistay ng bala

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Matador binistay ng bala
Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad namatay ang biktimang si Abundio Dacir Jr.,residente ng nasabing barangay. Sa ulat, dakong alas-10:25 ng gabi, nasa harap ng kanilang bahay ang biktima nang biglang sumulpot ang hindi nakilalang suspek at pinagbabaril ito sa katawan.
The STAR/File

Matador binistay ng bala

Jorge Hallare

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  -- Bulagta sa harap ng kanilang bahay ang isang 42-anyos na matador o mangangatay ng karne matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman sa Purok-2, Brgy. Joroan sa bayan ng Tiwi, Albay kamakalawa ng gabi.

Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad namatay ang biktimang si Abundio Dacir Jr.,residente ng nasabing barangay. Sa ulat, dakong alas-10:25 ng gabi, nasa harap ng kanilang bahay ang biktima nang biglang sumulpot ang hindi nakilalang suspek at pinagbabaril ito sa katawan.

Agad humingi ng saklolo sa mga pulis ang asawa ng biktima na si Crisanta na agad namang rumesponde at dinala ito sa Armando Cope Hospital pero idineklarang patay. Patuloy na tinutugis ng mga pulis ang suspek habang hindi pa malaman kung ano ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

ABUNDIO DACIR JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with