^

Probinsiya

Rider natumbok ng bus, todas

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 33-anyos na rider matapos na suwagin ng isang bus habang buma­bagtas sa may crossing ng kalsada sa Governor’s Drive, Brgy. Malainen Bago, Naic, dito sa lalawigan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Elmer Gayamo, 33-anyos, may asawa ng Dorothea 1 Subd., Brgy. Halang, Naic, Cavite. Hawak na­man ng pulisya ang driver ng bus na si Gleve Pasignahin, 32, ng Brgy. Mun-ting Mapino, Naic, Cavite.

Sa ulat ni P/SSgt. Richard F. Atienza, alas-8:30 ng gabi habang bumabagtas ang biktima lulan ng kanyang TVS Dazz MC at patawid sa crossing nang bigla siyang banggain ng St. Anthony truck bus (ABG 3349) na mi-namaneho ni Pasignahin. Kapwa umano mabilis ang takbo ng motorsiklo at bus na hindi nagbigayan pagdating ng crossing kung kaya naganap ang insidente.

Tumilapon ang biktima at tumama ang ulo nito sa kalsada na agad namang naitakbo sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital sa Trece Martirez City pero hindi na umabot pang buhay.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with