^

Probinsiya

Parak patay sa motor crash

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang bagitong pulis matapos bumangga sa concrete barrier sa tabi ng kalsada ang kanyang minamanehong motorsiklo sa kahabaan ng Rizal Street,Old Albay District sa lungsod na ito kamakalawa ng madaling araw.

Agad naisugod sa Albay Emergency Response Team sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktimang si Patrolman John Patrick Cano, 23-anyos at residente ng Purok-1, Brgy. Kiwalo, Daraga pero ‘di na umabot nang buhay.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw, sakay ng kanyang motorsiklo (6957-EZ) ang biktima at mabilis na binabagtas ang kalsada mula sa bayan ng Daraga patungong Albay District nang pagdating sa palikong bahagi ng kalsada ay nawalan siya ng kontrol sa manibela kaya napunta ang motorsiklo sa kabilang linya at sumampa sa gutter ng kalsada saka malakas na humataw sa concrete barrier. Sa lakas ng pagkakasalpok, duguang humandusay sa tabi ng kalsada at agad namatay ang biktima.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with