^

Probinsiya

Tanod niratrat, todas

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Tanod niratrat, todas
Mabilis namang naka-takas ang suspek na si Nair Sarip, nasa hustong gulang, residente din ng Brgy. Bayan Luma 2.
STAR/File photo

CAVITE, Philippines — Isang barangay tanod ang nasawi nang tambangan at pagbabarilin siya ng isa niyang kaalitan sa may palengke ng Barangay Bayan Luma 2, Imus, Cavite kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alden Maca­ombao, 41, may asawa, ng Barangay Bayan Luma 2. Nakaligtas naman sa insidente ang asawa niyang itinago sa pangalang Lanie na kaangkas niya sa isang motorsiklo nang maganap ang krimen.

Mabilis namang naka-takas ang suspek na si Nair Sarip, nasa hustong gulang, residente din ng Brgy. Bayan Luma 2. 

Sa nakalap na ulat mula kay Cavite Provincial Di­rec­tor P/Lt. Col. Marlon Santos, pauwi na mula sa naturang palengke sina Macaombao at asawa nito lulan ng motor­siklo nang harangin sila ng suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril  nito ang biktima.

Duguang tumimbuwang ang biktima habang masu-werte namang galos lang ang tinamo ng misis nito sanhi ng pagsemplang ng motor.

Kasalukuyang pinagha-­ha­nap ang suspek at ina­alam pa ang posibleng motibo ng insidente.

vuukle comment

MACAOMBAO

MAGKAALITAN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with