^

Probinsiya

Mag-asawa patay sa hit and run

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa patay sa hit and run
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Ricardo Ladringan, 45, barangay tanod, at Maribel Ladringan, 42, vendor, kapwa residente ng Sitio Payompon, Brgy. Sta. Lucia.
File

MANILA, Philippines — Patay ang isang mag-asawa habang nasugatan naman ang isa pa makaraang aksidenteng ma-hit and run ng isang rumaragasang behikulo sa kahabaan ng highway ng Brgy. Sta. Lucia, Sablayan, Occidental Mindoro nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Ricardo Ladringan, 45, barangay tanod, at Maribel Ladringan, 42, vendor, kapwa residente ng Sitio Payompon, Brgy. Sta. Lucia.

Isinugod naman sa pinakamalapit na pagamutan ang nasugatang si Roberto Bernabe San Jose, 56-anyos, residente ng Brgy. Pagasa sa bayan ng San Jose ng na­turang probinsya.

Ayon kay MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Rom­blon, Palawan)  Spokesperson Lt. Col. Imelda Tolentino, naganap ang trahedya sa kahabaan ng  highway ng Sitio Payompon, Brgy. Sta. Lucia, Sablayan bandang alas-6:00 ng umaga.

Minamaneho ni San Jose ang Toyota Innova (SKU)-238  patungong hilagang direksyon nang tangkain nitong mag-overtake sa isang bus at bunga nito’y nawalan ng kontrol sa manibela.

Aksidente namang na-hit and run ng behikulo ang mag-asawa na nakatayo sa tabi ng highway na bagaman nagawa pang maisugod sa San Sebastian Distict Hospital ay nabigo nang masagip ang buhay.

vuukle comment

HIT AND RUN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with