^

Probinsiya

Magpinsan todas sa lunod

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang isang magpinsang paslit nang malunod matapos ta-ngayin ng ilog sa Sitio Salkan, Brgy. Paraiso, Koronadal City.

Kinilala ang nasa-wing magpinsan na sina Raymund Awan at Regie Bay Sabang, kapwa 4-anyos at mga residente ng Sitio Salkan.

Sa ulat ni Barangay Chairman Samuel Velarde na unang nakita pasado alas-8:00 ng umaga kahapon ang isa sa mga ito sa ibabang bahagi ng tulay papuntang Purok Pagunsan ng nasabing lugar.

Lumobo na umano ang katawan ng bata at halos hindi na makilala.

Makalipas ang ilang oras na search and retrieval operation, nakita ang isa pang biktima sa Purok Sto. Niñong barangay.

Natatabunan uma­no ng lupa, mga ka­wa­yan at punong kahoy ang mga bangkay nang marekober.

Huling nakita ang da­la­wa na naglalaro malapit sa ilog nang bigla umanong tumaas ang tubig at tinangay ang mga ito.

vuukle comment

LUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with