^

Probinsiya

Motorsiklo salpok sa trak: Rider, angkas tepok

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang rider at angkas nito matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa nakaparadang trak habang mabilis na binabagtas ang kahabaan ng C.M. delos Reyes Ave. sa Brgy. Javalera, General Trias City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Major Jaypee De Guzman ang nasawing rider na si Jeremy T. Lamsen, 25-anyos, factory worker, residente ng Brgy. Poblacion, Muntinlupa City; habang hindi pa nakikilala ang angkas nito na hinihinalang kasamahan sa pinapasukang factory.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng trak na si Veto Baldemor, 39-anyos, may asawa, at residente ng Gozon Compound, Malabon City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente. May kabilisan umano ang takbo ng motorsiklo ng mga biktima at nang nasa tapat na ng Gateway Business Park na may pakurbang kalsada ay hindi na nakapagmenor ang mga ito at tuluy-tuloy na sumalpok sa napakaparadang trak sa gilid ng kalsada

Kapwa napuruhan sa ulo ang dalawa na nagkabali-bali rin ang mga paa at kamay sa lakas ng pagkakasalpok habang wasak na wasak ang kanilang motorsiklo

Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide (2 counts) ang driver ng trak.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with