^

Probinsiya

Rider durog sa motorcycle crash

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Isang ‘di pa natutu­koy na lalaking motorcycle rider ang nasawi matapos na sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang tailoring shop sa gilid ng Maharlika National Highway sa Brgy. Balogo, Sorsogon City, Sorsogon, kamakalawa ng hatinggabi.

Sinubukan pang isugod ng mga rumespondeng City Rapid Response Personnel sa Sorsogon Provincial Hospital ang biktima ngunit idineklarang patay. Wasak naman ang Rusi motorcycle na minamaneho nito na walang plate number.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi nang magulantang ang mga residente sa ma-lakas na ingay nang sumalpok ang motorsiklo ng biktima sa Elegance tailoring shop na pag-aari ng nagngangalang Isagani Dispabiladeras.

Sa lakas umano nang pagkakabangga tumilapon ang biktima ng ilang metro at humampas ang ulo sa sementadong kalsada. Pinaniniwalaang naidlip habang nagmamaneho ang biktima dahilan ng aksidente.

vuukle comment

ACCIDENT

MOTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with