^

Probinsiya

28 ex-NPA tumanggap ng P1.5 milyong livelihood aid

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

KIANGAN, Ifugao, Philippines – Umabot sa 28 dating mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa nasasakupan ng Cordillera ang nakatanggap ng livelihood assistance sa kampo ng militar sa Baguingey, Kiangan, Ifugao, kamakailan.

Ang nasabing assistance na may kabuuang halaga na P1.5 million ay ipinagkaloob ng militar noong Nobyembre 16 sa 8 mga dating regular member ng NPA at 20 Milisyang Bayan kasabay sa paggunita sa ika-34th na founding anniversary ng 54th Infantry Magilas Battalion na nakabase sa Tiger Hill sa nasabing bayan.

Kabilang sa mga nabigyan ng tulong pinanisyal ay si alyas “Ka Matayan” mula sa Mountain Province na nakatanggap ng kabuuang halaga na P301,000 kung saan tumanggap ng fire arm renumeration na P236,000; immediate assistance na P15,000 at P50,000 naman na livelihood assistance, habang ang lahat sa kanila ay nakatanggap naman ng P15,000 na immediate assistance.

Ayon kay Major General Pablo Lorenzo, commanding gene­ral ng 5th Infantry Division (5ID) sa Gamu, Isabela, ang nasabing halaga na ibinibigay sa mga rebeldeng nagnanais na magbalik loob sa pamahalaan ay mula sa programa ng gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Kasalukuyan na rin na sinisiyasat at inihahanda ang ilan sa mga rebel returnees na nagnanais maging sundalo para sumailalim sa pagsasanay matapos makitang kwalipikado ang mga ito na maging miyembro ng Armed Forces of the Philippines.

 

vuukle comment

LIVELIHOOD AID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with