^

Probinsiya

Mister todas sa pamamaril

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Isang mister ang nasawi matapos pag­baba­rilin sa harap mismo ng kanyang misis ng ‘di pa nakikilalang salarin makaraang ihatid ang misis sa pinagtatrabuhang kumpanya, naga­nap kamakalawa sa Brgy. Bancal,  Carmona, Cavite.

Dead-on-the-spot ang biktimang si William Reyes Orias, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.

Hindi naman nakilala ang suspek na agad na tumakas sakay ng ‘di naplakahang motorsiklo matapos ang pa­ma­maslang.

Sa ulat ng pulisya, alas-7:50 ng umaga nang maganap ang insidente sa kaha­baan ng Governors Drive, sa naturang lugar, kung saan inihatid ng biktima ang misis nito sa Marcbuilt  Company.

Nang makababa na ang misis ng biktima sa motor nito na Suzuki motorcycle na  may plate no. 9821WH at paalis na sana ito nang big­lang dikitan ng suspek na sakay din ng isang motor at dito pinagbabaril ang biktima.

Patuloy ang imbestigas­yon ng mga otoridad sa natu-rang kaso.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with