^

Probinsiya

15-anyos dalagita pinasok sa bahay, inutas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 15-anyos na dalagita matapos na pasukin sa kanilang bahay at pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Brgy. Patitinan sa bayan ng Sangay, Camarines Sur kamakalawa ng madaling araw.

Tadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang matagpu­an ng kanyang mga kaanak ang biktimang si Jessiel Budillo Cultivo sa loob ng kanilang bahay habang hindi naman umano ma­tag­puan ang kinakasama nito.

Sa ulat, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magulantang ang mga residente sa narinig na sunud-sunod na mga putok ng baril.

Nang puntahan ng mga kaanak ay nakitang duguang nakalugmok at pa-tay na ang biktima sa loob ng kanilang bahay.

Patuloy sa ginagawang imbestigasyon ng mga pulis sa pagtukoy sa suspek at motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

JESSIEL BUDILLO CULTIVO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with