^

Probinsiya

Manggagawa ng hacienda kinidnap ng 3 maskarado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines — Dinukot ng tatlong armadong kalalakihan na nakasuot ng maskara ang isang magsasaka sa Brgy. Tanza, EB Ma-galona, Negros Occidental kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Roger Hellacone, 18-anyos, binata, manggagawa sa hacienda at residente sa Brgy. Sto Niño, EB Magalona ng lalawigang ito.

Sa ulat ng Negros Occidental Police, nangyari ang pagdukot sa biktima sa Purok Masagana, Brgy. Tanza ng bayang ito bandang alas-7:55 ng gabi.

Sa pahayag sa mga awtoridad ng kapatid ng biktima na si Lindy Hellacone, 24-anyos, bigla na lamang sumulpot sa kanilang lugar ang mga armadong lalaki na kapwa nakasuot ng maskara. Wala namang nagawa ang pamilya ng biktima upang saklolohan ang huli dahil mga armado ang mga suspek.

Agad na sinunggaban ng mga suspek ang biktima at puwersahang kinaladkad pasakay sa kulay abong pickup na hindi nakuha ang plaka saka tinangay sa hindi pa malamang destinasyon.

vuukle comment

LINDY HELLACONE

ROGER HELLACONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with