^

Probinsiya

Van salpok sa bahay: Titser dedo, 4 sugatan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Dead-on-arrival sa pa-ga­mutan ang isang guro habang sugatan ang apat na iba pa kabilang ang ka­nilang drayber matapos na bumangga ang sinasakyang pampasaherong van sa isang bahay pahingahan sa Natio­nal Highway Barangay Dali­ngaoen sa bayan ng Pikit North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Leonila Salang Fernandez, guro ng isang paaralan sa Cotabato City at residente ng Amhersia St., NovaTierra Village, Lanang, Davao City habang ang mga nasugatan na pasahero ay sina Juvil Hermosura ng Surallah South Cotabato; Czyrie Jade Cariaso ng Upi, Maguindanao at Kamesa Pananggilan ng Kabuntalan, Maguindanao.

Ayon kay P/Staff Sergeant Ibrahim Langaban Mandas, traffic investigator ng Pikit Police, alas-3:00 ng madaling araw habang binabagtas ng Toyota Hi Ace van na minamaneho ni Celso Geromo Gerago Jr. ang national highway galing Davao City at patungo sana sa Cotabato City nang pagsapit nila sa lugar ay iniwasan nito ang tumatawid na aso hanggang sa mawalan siya ng kontrol at bumangga sa isang bahay sa lugar.

Dahil sa lakas ng impact, patay ang gurong pasahero na papasok na sana ng kanilang paaralan habang nasugatan ang apat kabilang ang driver ng van.

vuukle comment

CZYRIE JADE CARIASO

LEONILA SALANG FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with