^

Probinsiya

Motor salpok sa trak: Mag-ama dedo, 3 grabe

Raymund Catindig, Victor Martin - Philstar.com
Motor salpok sa trak: Mag-ama dedo, 3 grabe
Kinilala ni P/Capt. Fresiel Dela Cruz, hepe ng Quezon Police ang mga nasawi na sina Eleazar Hibaya, 37, at anak na si Nico, mga tubong Catarman, Samar at pansamantalang naninirahan sa Barangay Agbannwag, Tabuk City, Kalinga.
File

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Patay ang isang padre de pamilya at isang anak habang malubhang nasugatan ang kanyang mag-ina at isa pang kaibigan nang sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang truck sa  bayan ng Quezon, lalawigang ito kahapon ng mada-ling araw.

Kinilala ni P/Capt. Fresiel Dela Cruz, hepe ng Quezon Police ang mga nasawi na sina Eleazar Hibaya, 37, at anak na si Nico, mga tubong Catarman, Samar at pansamantalang naninirahan sa Barangay Agbannwag, Tabuk City, Kalinga.

Nilalapatan naman  ng lunas ang mga su-gatan na sina Jil Hibaya at anak na si Nick Nick, asawa at anak ng nasa-wing si Eleazar, at kaibi-gang si Albert Ocay, 29, binata, ng Brgy. Bulanao, Tabuk City Kalinga.

Sa ulat,  sakay ang limang katao sa iisang motorsiklo na minamaneho ni Eleazar nang sumalpok ito sa isang Izusu Elf na nakaparada sa gilid ng highway sa Brgy. Alunan, Quezon dakong ala-1:30 ng madaling araw.

Nauna rito, sinimulan ng mister ang pagtungga ng alak sa Tabuk City bago magtanghali saka nagtungo naman sila kasama ang pamilya at kaibigan sa Aurora, Isabela kung saan dito ipinagpatuloy nito ang pag-inom sa isang lamayan.

Posibleng inantok umano si Eleazar dala ng nainom na alak kung kaya’t hindi napansin ang nakaparadang Elf truck sa gilid ng highway.

Idineklarang dead-on-arrival ang mag-amang Hibaya sa Quezon Community Hospital habang inilipat sa Cagayan Valley Medical Center sa Cagayan ang tatlong sugatan.

vuukle comment

AKSIDENTE

MOTOR

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with