^

Probinsiya

Mayor inambus: Pulis, 2 pa sugatan

Gemma Garcia, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Mayor inambus: Pulis, 2 pa sugatan
Sa ulat ni P/Col. Madzgani Mukarm, Lanao del Sur provincial director, naganap ang pananambang habang sakay ang alkalde ng kanyang motorsiklo pa­puntang Marawi City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nakaligtas sa tiyak na kamatayan si Masui, Lanao del Sur Mayor Nasser Pangandaman Jr. habang sugatan ang kanyang police security escort at dalawang kasamang sibilyan matapos silang tambangan sa Buadiposo-Buntong kahapon ng umaga.

Sa ulat ni P/Col. Madzgani Mukarm, Lanao del Sur provincial director, naganap ang pananambang habang sakay ang alkalde ng kanyang motorsiklo pa­puntang Marawi City. May nakatakda umano siyang meeting sa municipal Peace and Order Council sa nasabing bayan nang tambangan ang kanyang convoy sa Brgy. Gata, Buadiposo-Buntong, may 10 kilometro mula sa Masui. Bagama’t nakaligtas ang alkalde, sugatan ang kanyang police escort na si P/Staff Sergeant Jabbar Romato Pangandaman dahil sa tama ng bala ng baril sa tiyan. Sugatan din ang dalawang sibilyan na sina Jammal Gabriel Pangandaman at Casinoding Mangandog na nasa bukod na sasakyan. Sila ay ginagamot sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City.

Tinutugis na ng mga sundalo ng 103rd Infantry Brigade ang mga suspek na tumakas.

May hinala ang mga otoridad na “rido” ang sanhi ng pananambang.

 

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with