^

Probinsiya

Dam sa Cagayan nagkabitak, force evacuation ipinatupad

Joy Cantos, Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Dam sa Cagayan nagkabitak, force evacuation ipinatupad
Sa kaliwa, ininspeksyon ni Cagayan Police Director Colonel Ariel Quilang ang pagtaas ng tubig sa iba’t ibang bahagi ng kanyang teritoryo bunsod ng walang humpay na pag-ulan at ang banta na pagbitak ng isang dam sa hilagang Cagayan.
Kuha ni Raymund Catindig

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nagpatupad ng force eva­cuation ang mga awtoridad sa hilagang Caga­yan matapos makitaan ng bitak ang isang dam bunsod ng walang humpay na pag-ulan at pagguho ng lupa sa Barangay Silagan, Allacapan, nasabing lalawigan noong Biyernes.

Sinabi ni Cagayan Police Director Colonel Ariel Quilang na unang dinala ng mga police responders ang hindi bababa sa 50 pamilya na inilikas sa Allacapan Gymnasium.

Ayon kay Quilang, kasama ng Allacapan na lulubog ang katabing bayan ng Lal-lo sakaling matuluyang bumigay ang dam.

Bunsod nito, isinailalim sa matinding pagmamatyag ng pulisya ang dalawang bayan habang patuloy na inililikas ang mga natitira pang residente na maaapektuhan ng pagguho.

Kaugnay nito, isinailalim na sa “state of calamity” ang Cagayan dahil sa matinding pinsalang idinulot ng mga pagbaha bunsod ng bagyong Quiel habang pumalo na sa apat katao ang nasawi sa kalamidad.

Tinukoy ni Caga­yan Governor Manuel Mamba ang mga binahang lugar na kinabibila­ngan ng Sta. Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Bal­lesteros, Allacapan, Aparri, Gonzaga, Sta. Ana at Baggao sa nasabing lalawigan.

 Sa report ng NDRRMC, nanatili ang lakas ni Quiel habang papalabas na ito sa Phi­lippine area of responsibility (PAR) dakong alas-2 ng madaling araw ngayon na tumatahak patungong Vietnam.

 Sa kasalukuyan, nasa 4,987 pamilya o 21,060 katao ang naapektuhan ng bagyo bunga ng matinding mga pagbaha sa 98 barangays sa Regions 1 at 2 na nanunuluyan sa iba’t ibang evacuations centers.

 Ayon naman kay PRO2 Spokesman P/Lt. Col. Chevalier Iri­ngan, ipinag-utos na ni PRO 2 Director Police Brig. Gen. Angelito Casimiro sa Cagayan Police  at Regional Mobile Force Battalion 2 na magsagawa ng augmentation o pagdedeploy ng karagdagang mga personnel para sa search and rescue operations.

 Inatasan ni Casimiro si Col.Quilang na masusing isuperbisa ang relief and rescue ­operations hanggang hindi nagbabalik sa normal ang sitwasyon sa mga lugar na apektado ng kalamidad.

 

vuukle comment

DAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with