^

Probinsiya

Mag-asawa sinuwag ng bus: Misis patay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang misis na backrider ng kanyang mister sa motorsiklo makaraang banggain ng sumusunod na Bicol bound na passen­ger bus sa diver­sion road sakop ng Barangay Bocohan, dito, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng grabeng pin­sala sa ulo at kata­wan ang biktimang si Rachell Ann Santiago, 21, ng Purok Ilang-ilang, Brgy. Gulang-Gulang samantalang kritikal ngayon sa Lucena United Doctors Hospital (LUDH) ang mister nitong si Mark Joseph Santiago, 27, isang gas pump attendant. 

Sa ulat ni P/Lt.Col. Romulo Albacea, chief of police dito, dakong alas-10:30 ng gabi habang minamaneho ni Mark ang Honda motorcycle at angkas ang asawa nang banggain sila sa hulihan ng kasunod na bus ng De la Rosa Bus Liner (CAI-5441) na mi­namaneho ni Isagani Pugay, 48, ng Brgy. Iba­bang Dupay, Lucena City. Tumilapon ang mag asawa at nasagasaan pa ng nasabing bus. Makalipas ang kalahating oras, sumuko sa PCP Station sa Barangay Domoit ang driver ng nasabing bus.  

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with