^

Probinsiya

Radio broadcaster utas sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Radio broadcaster utas sa ambush

MANILA, Philippines — Isang radio broadcaster ang nasawi matapos tamba-ngan ng isang ‘di pa natutukoy na suspek habang sakay ng kanyang kotse na patungo sa kanilang himpilan nitong Huwebes ng umaga sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Ang pinaslang na biktima ay kinilalang si Dindo Gene­roso, 67-anyos, broadcaster sa DYEM 86.7 Bai Radio.

Base sa imbestigasyon, nangyari ang pananambang sa biktima sa kahabaan ng Hibbard Avenue, Brgy. Piapi ng lungsod na ito dakong alas-7:30 ng umaga.

Ayon sa mga testigo, kasalukuyang minamaneho ni Ge-neroso ang kanyang kotse nang biglang sumulpot ang gunman at pagbabarilin ito.

Nabatid na ang biktima ay patungo sana sa kanilang himpilan para sa kanyang programa sa nasabing radio station nang mangyari ang krimen.

Kinondena naman ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP)  ang insidente at nanawagan din ng hustisya para sa biktima.

Sa tala ng NUJP si Ge­ne­­roso ang ikalawang mamamahayag na pinaslang ma­tapos itumba rin ng mga armadong salarin ang radio broadcaster na si Edmund Sestoso na pinagbabaril noong Abril 30, 2018 sa Dumaguete City.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo ng krimen upang matukoy at maaresto ang salarin.

 

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with