3 ‘tulak’ bulagta sa buy-bust
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines – Tatlong umano’y tulak ng ipinagbabawal na droga ang napatay ng mga otoridad sa magkahiwalay na buy-bust operation sa siyudad ng San Jose del Monte at Sta. Maria sa Bulacan, inulat kahapon.
Kinilala ni P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan Police director ang tatlong napatay na sina Allen Omila, 42 anyos ng No. 24 Seminary Road, Brgy. Bahay Toro, Quezon City; Mark Panganoron at Mark Anthony Mallares ng Brgy. Gaya-Gaya, San Jose del Monte City, Bulacan.
Napatay si Omila matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Brgy. Guyong, Sta. Maria, Bulacan dakong alas-3:30 ng madaling araw.
Sina Panganoron at Millares ay napatay naman dakong ala-1:15 ng madaling araw kahapon matapos na manlaban sa mga pulis na nauwi sa palitan ng putok ng baril matapos ang abutan ng droga at buy-bust money sa Lot 46, Blk. 2, Towerville 6F, Brgy. Gaya-gaya, San Jose del Monte City.
Nabawi sa mga napatay na suspek ang 28 plastic sachet ng shabu, 2 cal .38 revolver, 1 cal 45 pistol, digital weighing scale, 4 na memory card at buy-bust money.
- Latest