^

Probinsiya

Cainta mayor ‘sinabon’ ng DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Sa ‘di pagsusuot ng helmet

MANILA, Philippines – Sinermunan kahapon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Cainta, Rizal Mayor Johnielle Keith Nieto kaugnay sa hindi pagsusuot ng helmet habang sakay ng isang motorsiklo patungo sa isang kasalan sa simbahan.

Paalala ni DILG Spokesperson at Usec. for Plans, Public Affairs and Communications Jonathan Malaya kay Nieto, ang puwesto sa pamahalaan ay hindi nagkakaloob ng special status sa sinuman. Ang pagiging public official aniya ay hindi rin nangangahulugan na exempted ang isang tao mula sa umiiral na batas. 

“While Mayor Nieto has already publicly apologized for his act and accepted his shortcomings, the Department underscores the need for elected local officials to lead by example at all times,” ani Malaya.

Tinutukoy ni Malaya ang unang depensa ni Nieto na bago siya sumakay ng motorsiklo nang walang suot na helmet ay lumagda siya ng wai­ver upang mapawalang-sala ang sinuman sa anumang layabilidad mula sa anumang pinsala na maaaring matamo niya dahil sa hindi pagsusuot ng helmet.

Giit naman ni Malaya, ang mga alkalde ang siyang unang dapat na sumunod sa batas upang maging ehemplo ng kanyang mga constituents, at hindi ito maaaring mabago ng paggamit ng ilang legal na teknalidad.

Nauna nang tinawag ni road safety advocate James Deakin ang pansin ng alkalde dahil sa paglabag sa Republic Act 10054, na nagmamandato sa lahat ng motorcycle riders na magsuot ng protective helmets.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with