^

Probinsiya

Sundalo utas sa bomba ng NPA

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang sundalo ang nasawi matapos masabugan ng bomba na itinanim ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Sta Rosa , Lopez, Quezon kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Private Kim A. Veluz, nasa hustong gulang , kasapi ng Alpha Company ng Army’s 85th Infantry Battalion (IB).

Sa imbestigasyon, dakong alas-4:30 ng hapon habang sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at binabagtas ang kahabaan ng kalsada sa Brgy. Sta. Rosa patungong Lopez nang biglang sumabog ang Improvised Explosives Device (IED) na inilagay ng mga rebelde.

Sa lakas ng pagsabog ay nasapul ang katawan ng biktima na agad binawian ng buhay sa insidente.

Samantala, sa-follow up operation ng pulisya at militar natukoy naman ang dalawa sa mga rebelde na responsable sa pagtatanim ng bomba na sina Cecilia Mondia at Hilario de Roxas na ngayo’y tinutugis na ng mga otoridad.

vuukle comment

BOMBA

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with