^

Probinsiya

AUV hulog sa bangin: 3 todas

Joy Cantos, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Benguet, Philippines — Humabol sa Undas ang tatlo katao maka­raang masawi nang aksidenteng mahulog sa malalim na bangin ang sinasakyang pampasaherong AUV sa matarik na bahagi ng highway ng Brgy. Bogao, Kabayan, Benguet nitong Miyerkules ng tanghali.

Kinilala ang mga nasawi na sina Dennis Ingosan Begya, driver; mga pasaherong sina Leonardo Pay-oen Oyad at Samuel Begya na pawang dead-on-the-spot sa insidente habang nilalapatan ng lunas sa Dennis Molintas Memo-rial Hospital ang suga­tang si Frankin Aroyaw.

 Sa ulat ng Cordillera Police, dakong alas-11 ng tanghali habang bu-mabagtas ang Tamaraw FX (TSY 476) sa mata­rik na highway sa Brgy.     Bogao ng bayang ito nang mahulog sa may 400 metrong lalim na bangin.

 Nabatid na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver bunsod upang tuluy-tuloy na mahulog sa bangin ang sasakyan na ikinasawi ng mga biktima.

 Ang bangkay ng mga biktima ay naiahon na ng rescue team ng lokal na pulisya at ng pamahalaang bayan ng Kabayan.

vuukle comment

DENNIS INGOSAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with