P13.6 Milyong shabu samsam, 5 HVT timbog
MANILA,Philippines — Umiskor ang pinagsanib na elemento ng Zamboanga City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 9 matapos na maaresto ang limang high value target (HVT) na nasamsaman ng P13.6-milyong halaga ng droga sa operasyon sa Brgy. Jose Gusu, sa nasabing lungsod kamakalawa.
Kinilala ni P/Major Helen Galvez, spokesperson ng Police Regional office (PRO) 9 ang mga nasakoteng suspek na sina Jumdatul Badu Mohamod, 51; Yakub Samman Alih, 39; Pae Kamsa Tanoh, 39; Warid Palahudinm, 62, at Julim Hamadul Salapuddin.
Bandang alas-10:40 ng umaga nang masakote ang mga suspek matapos na makipag-deal sa poseur buyer ng mga awtoridad sa harapan ng isang fastfood chain sa Brgy. Jose Gusu ng lungsod.
Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos na makumpiskahan ng mga awtoridad ng 2-kilong shabu na nasa P13.6 milyon ang halaga at mga drug paraphernalia. Nakuha rin ang lima pang cellular phones at isang Toyota Dyna (JVJ-772 ) na gamit nila sa iligal na pagtutulak ng droga.
“The campaign against illegal drugs has been relentlessly fought by Police Regional Office 9 and will continuously work hard to eradicate the nemesis of the society,” pahayag naman ni PRO 9 Director Brig. Gen. Froilan Quidilla.
- Latest