^

Probinsiya

Mag-asawa tiklo sa P1.2 milyong shabu

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Arestado ang mag-asawa na umano’y tulak ng droga matapos na mahulihan ng nasa 175 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P1.2 milyon sa ikinasang search warrant operation ng mga awtoridad sa kanilang mismong bahay sa Sitio Galay, Barangay Kibayao sa bayan ng Carmen, lalawigang ito kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ang mga nadakip na sina Jomar Sampulna at misis na si Noraisa. Ang operasyon laban sa mag-asawa ay ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng Carmen MPS, PDEA Cotabato Province, 602nd Brigade at 4th SAB PNP SAF, alas-2:45 ng madaling araw.

Sa ulat ni P/Brig. Gen. Alfred Sotto Corpus, matagal nang minamanmanan ng mga otoridad ang mag-asawa na sinasabing sangkot sa malakihang drug trading na noon ay nakatira pa sa Ulandang, Midsayap. 

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with