^

Probinsiya

High Value Target todas, 3 huli sa drug ops

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines — Patay ang isang high value target (HVT) ng pulisya habang tatlo pa ang naaresto matapos masamsaman ng nasa P2 milyong ha­la­ga ng droga sa buy-bust operation na nauwi sa shootout kamakalawa ng gabi sa Imus City.

Kinilala ni P/Capt. Henry Salazar ng CDEU-Imus ang napatay na suspek na si Richard Kapitanan, 29, ng Del Rosario Compound, Buhay Na Tubig, Imus City habang nasakote ang mga alagad nito na sina Edlyn Jewel Brazos ng Santos Village, Zapote, Las Piñas City at John Carlo Cariño, 25, ng Brgy. Bautista Zone 5 Dasmariñas City at ang umano’y kliyente nilang pipick-up sana ng order nitong shabu na si Marc Edward Dela Cruz, 37, ng #1 Saint Peter St., Pulang Lupa, Las Piñas City.

Isang pulis ang nagsilbing poseur buyer na pinapasok ng mga suspek sa loob ng Del Rosario Compound at sa loob ng kotse nito naganap ang abutan dakong alas-10 ng gabi. Habang nagkakapalitan ng droga at marked money, nakatunog umano si Kapitangan at mga kasama sa loob ng kotse kung kaya agad na itinulak ang pulis saka mabilis silang tumakbo patakas. Bumunot ng baril si Kapitangan at pinaputukan ang mga pulis sanhi ng engkuwentro na kanyang ikinasawi habang nasukol ang tatlong kasamahan nito.

Nasamsam sa ope­ras­yon ang isang caliber .9mm, 6 na fired empty shell, 2 digital weighing scale, isang plastic na naglalaman ng 250 gra­mong shabu, isang Hyundai Reina, 6 pang plastic sachet ng .46 gramong shabu at drug money. 

vuukle comment

HIGH VALUE TARGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with