3 staff ni Gov. Catamco, kinasuhan ng ‘cyber libel’
KIDAPAWAN CITY, Philippines — Nahaharap ngayon sa kasong “cyber libel” ang tatlong mga tauhan ni suspended Governor Nancy Catamco.
Kinilala ang mga kinasuhan na sina Basilio “Jun” Obello, chief of staff ni Catamco; Randy Patches, executive assistant at Anne Fuentes.
Nag-ugat ang kaso matapos ang malisyoso umanong akusasyon ng kampo ni Obello laban sa mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan na na-broadcast sa radyo noong Hulyo kung saan host noon sina Obello at Patches habang si Fuentes naman ang kumuha ng video at nai-post sa social media (Facebook).
Ang katagang binitawan noon ni Obello ay “Ang inyong ka-bright, kabugo lang nako,” (ang inyong galing ay kabobohan ko lang) na siya namang sinuportahan umano ni Patches.
Dahil dito, binigyan ngayon ng hanggang 10 araw ang tatlo para maghain ng kanilang judicial counter-affidavit dahil sa kasong cyber libel matapos nilang matanggap ang nasabing subpoena nitong Lunes na pirmado ni City Prosecutor Melvin Lamata.
Ang kaso ay inihain mismo ni Acting Governor Emmylou “Lala” Taliño hinggil sa paglabag sa RA 10175 o kasong libel sa ilalim ng Article 353 ng Revised Penal Code.
- Latest