^

Probinsiya

Makalipas ang 450-taon unang misa sa Isla ng Luzon ginunita

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay, Philippines — Makalipas ang 450-taon ginunita kahapon ang pinakaunang ginawang misa sa isla ng Luzon sa Brgy. Gibalon, Magallanes, Sorsogon kahapon ng umaga.

Naganap ang unang misa sa Islang Luzon noong Oktubre 19,1569 na ginawa ng Spanish priest na si Fr. Fray Alonzo Jimenez kasama ang mga sundalong Espanyol sa pangunguna ni Capt. Andres de Ibarra kung saan nagsimulang lumaganap ang Kristiyanismo at ko­­lon­yalisasyon sa buong isla.

Bago ang misa, ginunita muna ng mga residente sa pamamagitan ng reenactment ang unang pagdating sa bayan ng mga Kastila kung saan masayang pinanood nina Gov. Chiz Escudero at Sorsogon Archbishop Arturo Bastes at panguna­hing mga bisita gaya ni Jorge Moragas Sanchez, Ambassador of Spain at Historian Danilo Gerona. Sinundan ito ng concelebrated mass na pinangunahan mismo bilang homilist ni Gabrielle Giordano Caccia, Apostholic Nuncio to the Philippines.

Ayon kay Ambassador Sanchez, masaya siyang nakadalo sa dalawang ma­laking okasyon ng bayan ng Magallanes, ang 450-taong anibersaryo ng unang misang ginanap sa Brgy. Gibalon na nagbukas ng Kristiyanismo sa Luzon at ang ika-125 taong anibersaryo ng pagiging independensya ng Sorsogon bilang lalawigan.

Pinasalamatan naman ni Escudero ang mga bisita lalo na ang Espanya. Bahagi ang concelebrated mass kahapon sa pinakatampok na pagdiriwang ng lalawigan ng kanilang “Kasanggayahan (bountiful) Festival.”

vuukle comment

MISA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with