^

Probinsiya

Salpukan ng 2 motor: 2 tigok, 1 grabe

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang rider ang nasawi habang malubha ang isa pa matapos magsalpukan ang kanilang mga motorsiklo sa Brgy. Lanna, Solana, Cagayan kahapon. Kinilala ni Staff Sergeant Ronnie James Canapi ang mga namatay na sina Raymund Rondares, 28-anyos at isang natukoy lamang sa pangalang “Joshua”.

Ayon kay Canapi, galing sa laklakan sina Joshua at backrider nitong si Fredie Campit, 31, na tubong Marilao, Bulacan nang salpukin nila si Rondares dakong hatinggabi. Isinugod ng mga sumaklolo ang tatlo sa Cagayan Valley Medical Center dito subalit idineklarang patay ang dalawang nabanggit na drayber ng motorsiklo.

Sinabi ni Canapi na hindi makausap nang matino ang sugatang si Campit dahil sa sobrang kalasingan upang matukoy sana ang buong pangalan ng kasama niyang namatay.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with