^

Probinsiya

Dumping ground ng mga biktima ng summary execution 8 bangkay itinapon sa bangin

Joy Cantos, Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines —Walong bangkay ng mga lalake, dalawa rito ay skeleton na, ang nakuha ng mga awtoridad sa 30 metrong lalim na bangin sa highway ng Sitio Poyopoy, Taloy Sur, Marcos Highway, Tuba, Benguet noong Martes at kahapon (Miyerkules).

Sinabi ni Police Major James Acod na nagmistulang ginawang tambakan ng mga pinatay ang lugar base sa agwat ng pagkakatapon ng mga ito.

Base sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives, apat sa mga bangkay ay itinapon dalawang linggo na ang nakalipas, isa ay noong nakaraang buwan at ang dalawang skeleton ay itinambak noon pang isang taon.

Gayunman, ang ikawalong bangkay ay nakita lamang kahapon malapit sa lugar.

Ayon kay Acod, ang mga bangkay ay pawang sa mga lalake at isa rito ay kinilala na kahapon (Miyerkules).

Ayon sa report, ang bangkay ni Fahad Macalanggan, 28, ay kinilala ng kapatid at ama nito sa kanyang tattoo sa katawan.

Si Macalanggan ay tubong-Maranaw at residente ng Pinewood, Crystal Cave, Baguio City.

Wala namang nakitang nakagapos o nakabalot ng packaging tape ang ulo sa mga bangkay gaya ng karaniwang kinahinatnan ng mga pinatay kaugnay sa kaso ng droga, dagdag ni Acod.

Ang apat sa mga naa­agnas na bangkay ay may mga bakas ng pagkakasaksak sa katawan aniya.

Nadiskubre ng taumbayan ang mga bangkay matapos magpalipad ng masansang na hangin ang apat sa mga ito na nagsimula nang mabulok.

Ayon kay Cordillera Police Director Police Brig. Gen. Ephraim  Dickson, bandang ala-1:30 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng lima kataong pinaslang at dalawa pang kalansay may 30 metro o nasa 60 % sa national road sa nasabing lugar.

Lumilitaw naman na ginawang ‘dumping ground’ ang paanan ng bangin sa lugar ng mga salarin kung saan inaalam pa kung ang mga nasawi ay biktima ng summary execution.

vuukle comment

BANGKAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with