^

Probinsiya

Kinidnap na guro nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matagumpay na nasagip ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang dinukot na guro habang dalawa namang kidnappers ang nasakote sa  operasyon sa lalawigan ng Sulu kahapon ng umaga.

 Kinilala ni Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command Chief Lt. Cirilito Sobejana ang nasagip na bihag na si Rose Singua, 58-taong gulang, guro sa Culianan Elementary School.

 Sinabi ng opisyal na ang bihag ay nailigtas ng pinagsanib na tropa ng AFP at Philippine National Police sa isang hotel room sa Jolo, Sulu dakong alas-6:05 ng umaga.

Si Singua ay sinundo ng isang alyas MM noong Set­yembre 27, 2019 kung saan hindi batid ng guro na target pala siya ng kidnapping.

Nabatid na inakala ng guro na ang sumundo sa kaniya ay sasamahan siya sa pagdalo sa isang kasalan sa Dipolog City pero sa Jolo siya dinala ng mga kidnappers.

Nagawa namang makatawag ng biktima sa kaniyang pamilya at ipinabatid na dinukot siya kung saan habang isinasagawa ang payoff sa P283,000.00 ransom kapalit ng kalayaan ng biktima sa Room 2 ng ANR Hotel ay nasagip ang bihag.

Sa follow-up operation ay naaresto naman ang suspect na si Nurina Jura, 22, ng Brgy. Martirez, Jolo na siyang kumubra ng ransom at sumunod namang nahuli si Nurjia Asakil, pawang mga kasamahan ng kidnapper.

Sa pahayag ng mga testigo, ang kidnapper ng biktima ay isang dalaga, tatlong tinatayang nasa edad 30-35 anyos at isang bakla.

vuukle comment

CIRILITO SOBEJANA

KIDNAPPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with