Local, international film producers hinikayat na gumawa ng pelikula sa Pilipinas
MANILA, Philippines — Maraming magaganda at interesanteng lugar sa Pilipinas. Ito ang panghihikayat ng Department of Tourism at ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa mga local at international film producers.
Paliwanag ng DoT, may incentives options silang ipagkakaloob sa mga foreign film producers kung gagawa sila ng pelikula sa bansa.
Kailangan lamang na magkaroon ng rehistradong film producers dito sa bansa na makakatuwang sa paggawa ng pelikula. Ayon naman kay tourism assistant Secretary for Branding and Marketing Communications Howard Uyking, nais nilang ipakita ang mga magagandang tanawin ng bansa sa isang pelikula. Isa rin itong paraan para mas makilala at tumaas ang turismo sa bansa.
- Latest