^

Probinsiya

Empleyada nabundol na ng trak nagulungan pa ng bus, pisak

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE — Doble-kamatayan ang sinapit ng isang empleyada ng isang kumpanya matapos mabundol ng isang trak at magulungan ng pampasaherong bus habang tumatawid sa Aguinaldo Highway, Brgy. Sampaloc 2, Dasmariñas City kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Nerwin Ricohermoso, hepe ng pu­lisya sa lungsod na ito ang biktima na si Cherry Monter, 32, dalaga, ng Mitsuba Co. at residente ng Blk. 4 Lot 34, Don Gregorio Heights Subd., Brgy. Sampaloc 2, Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat ni P/SSgt. Jesus Bae, dakong alas-5:00 ng mada­ling araw habang papatawid sa highway at papasok na sana ang biktima sa pinagtatrabahuan nito sa Mitsuba nang siya’y masagi ng isang rumaragasang trak sanhi upang siya ay tumilapon sa kabilang lane at sa kamalasan ay nagulungan ng paparating na DLTB bus (AAX-1680) na minamaneho ni Lolito Bausas Jr., 37, ng No. 151 J.P. Laures St., Brgy. Wawa, Nasugbu, Batangas.

Sa tindi ng pinsala, napisak ang biktima na patay agad sa insidente. Hindi naman naplakahan ang trak na unang nakasagi sa biktima na tumakas sa lugar.

Hawak na ng pulisya ang driver ng bus at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide

vuukle comment

HEPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with